Tuesday, March 27, 2007

selos yan!..?

nitong mga nagdaang araw eh medyo nakarecover na ako sa aking kalungkutan. nakakangiti na..nakakatawa..kahit pagdating ng gabi eh maaalala at maaalala ko na ang isang tao na nagpapasaya sa akin at sana ay nagbibigay ng lakas ay wala at malayo na.

ayoko na sana pang bisitahin ang account nya sa friendster pro hindi ko mapigil eh. haay pinapahirapan ko sarili ko sa totoo lang..lalo na nitong araw na ito narefresh kase ang pain..nakita ko kase ang picture ni..tawagin ko na lamang syang "diana" haay lalo akong nalungkot dahil ang ganda nya. ang simple and ganda magsmile mukhang mabait. kung iisipin ko nga nasa kanya na lahat ng alas pra sa ideal girl ni... kase sa aking pagkakaalam eh childhood sweethearts sila. since grade 1 yun men. magaling din kumanta pareho sila. pareho pa silang lugar anu ba yan walang lusot lahat pasok! walang hindrance between them! and sigurado na to na ang daming kikiligin kung man maging sila..(sasabihin ko sana na kung man magkatuluyan sila pro wag na lang)

insecurity ba itong nararamdaman ko o selos?? o baka naman pareho. sabi nga ng aking kaibigang si ate riza maging masaya na lang ako pra sa kanya dahil mukhang mabuting babae naman yung si diana..

ok lang ako?? paano ako magiging masaya eh ako nga ang naiwan at dahil dun yun sa rason na iyon! mahirap talaga pagtakpan ang nararamdaman pro kailangan ko iprove sa kanya na ang iniwan nyang si save ay matatag at magsusuceed sa buhay! hindi sa pagsisisihan nya ang desisyon nya kundi sa maipagmamalaki nya na naging parte ako ng buhay nya.

hmmmmm....energy is coming!..aay i mean spirit is coming my way!!!

woooaaahhh!!!! be strong! GOD is good! ;-)

(nababaliw na yata ako)

Thursday, March 22, 2007

bakit ba ako dominated ng love? nakakainis!

sa wakas at nakagawa na din ako dito. madali lang pala kung baga sapat na oras lang ang kailangan pra ito mabuo. syempre kasama na din ang interest mo.
kaya lang naman ako gumawa ng ganito upang may mapagtapunan ako ng sama ng loob pro sa bagay sa kabilang banda ay maari ko rin itong lagyan ng mga interesting topics hmmm..

malungkot kase ako ngayon. napakalungkot at talagang napakalungkot. bakit? haay ewan..nakikipagtalo kse ako sa sarili kong emosyon. its hard to let go of something you still yearn for.."the feeling is gone" nga ba? sakit naman..

bukas na nga pala ang aking birthday..sa bagay kahit heartbroken eh masaya na din kase nasama na ako sa Co. bonus at increment pro kahit man isipin ko yon ay di nito mapawi ang aking nararamdaman. kahit pala san ka nakarating o kahit gaano ka nakakatulong sa iyong pamilya mananatili kang unfullfilled kung ang isang taong iyong pinagkakatiwalaan at pinaniniwalaang di ka iiwan ay wala na.

napakasakit...

Angels and Devils

Depression and Anxiety are so much these days.. I mean we hear famous people lost battles in Depression...  and this takes me down memory la...