Date:October 1-3, 2007
Subject:Sa likod ng mga tala
Cc: kathryn@emicool.net; sheiladpgo@yahoo.com; leahmarie.gvalderama@du.ae; maryann.cabulay@uae.hrgworldwide.com; arch_edreyes@yahoo.com; pinkyvgarcia@gmail.com; arlanroysgo@yahoo.com; liway@sunandsandsports.com; ricky.asilo@gmail.com; je_rese2303@yahoo.com; kim_siksteen@yahoo.com; rsjgapasin@yahoo.com; ranny@mfc.ae; rheabarde02@yahoo.com; elma_gascon@yahoo.com; jayup95@yahoo.com; talithi_iris05@yahoo.com; gerryreyes2003@yahoo.com; alecksmack@yahoo.com;
______________________________________________________
Kaibigan, Kapatid, Kapamilya, Kapuso, Kachookaran, Kakulitan, Kainuman, Kaberks, KaBeer, KaVodka, KaTequilla, KaJackD....
Di bat minsan ang sarap lang tumawa
Di mo man lang ramdam mag-uumaga na pala
Para bang gusto mo pa, pero magliliwanag na
Mas pipiliin mo na ang longganisa, kesa tequila o vodka
Marami-rami na rin tayong boteng naitumba
Di ko na rin bilang ang mga nasa pulang lata
Minsan nga sa sobrang tawa
Di mo napapansin iba palay nagsusuka na
Sa dami ng bigas na iyong naisaing
Hipong sa sobrang dami ay nakakalasing
Binanggit mo pa ang luto ni kumare
Anong dami, gabundok na calamari
Sa likod ng kasiyahan ay mayrong kalungkutan
Para ano pa na tayo'y naging magkakaibigan
Sabi nga nila, iba ang may pinagsamahan
Sa iisang bubong sa may Jumeirah Wan.
Sa pamamagitan nito, nais kong manawagan
Konting halaga, sa ngayon ay nangangailangan
Di lingid sa inyo ang malubhang karamdaman
Ng minamahal ng ating kaibigan
Mensahe ng tula nawa ay inyong nabatid
Sama-samang kaloob sa taga-rigga ay ipabatid
Dahil sa likod ng mga Tala at kanilang kasiyahan
Sila ay may lubos na pangangailangan
Kaya't sa linggong ito, binibili ko
Unang tagay ko, sandaang dirhamo
Bahala na kayo kung magkano ang sa inyo
Basta ang alam ko, may trabaho pa po ako.
-arlan
syempre kasali ako sa tagay..
ito lng ata ang tagay na hindi ako mamumula pakakawalan ko pa..
sana ay maglaan din tayo ng panalangin sa ikakabuti ng kalagayan ng kanilang tatay at ikakalakas ng loob ng pamilya ng ating mga TALAng kaibigan...
-luis
maraming salamat, kaibigan
nais ko rin lang sana'y kaliwanagan
ang isang tagay ay di kailangang sangdaan
anuman ang sa puso ay magaan.
sa nararapit na Huwebes, kapag ang lahat ay nariyan na
saka nalang natin, ihandog ang sama-samang yaman
at tama nga si Luis, panalangin ay simulan na
para sa tatay nilang kamahalan.
-arlan
damay din ako jan, para sa mga tala, kapuso, kapamilya. sino mangongolekta kuya? damay na pati ang katabi kong malinggit na si ate pinky. araguy!!! kinurot ako. o basta kuya sama rin kami siempre. kita kits sa mata.
ano mang pilit,
dila koý namimilipit,
sa paghahangad na isipaý mahasa
at mapantayan ang iyong pagiging makata.
-leah
Sa mga kinauukulan
Ako’y pagpasensyahan
Sa kadahilanang ako’y galing sa kapulungan
Anumang kasunduan
Ako’y handang makipagtulungan
Sa abot ng aking kakayahan
At sa mga Tala nawa’y makamtan
Ang buhay na walang kalungkutan
Pagpalain kayo ng kaitaas-taasan
At para sa inyong kaalaman
Ako’y magpapaalam na
Uwian na kasi…hehehehe
-rickyboy
Aba di ako makakatanggi sa pagkakataong ito.
Kita kita sa huwebes..
May hihingin akong favor pro oo muna kyong lahat..
Hihingi sana ako ng written prayers pra sa mga kaibigan nting TALA at dadalhin ko iyon sa huwebes sana lahat ay makapagsulat duon pra kasama ng ating mumunting tulong ang mataimtim na panalangin mula sa ating puso (naks)
Uuy wag sana kayong tumanggi at wag macornyhan matagal ko na itong gustong gawin at ito na ang magandang pagkakataon para maipadama natin sa kanila ang ating suporta at pagmamahal
Umaasa…save
aba'y kami dumadami
mga makatang kunwa-kunwari
naisama na ang bebeh ni ranny
sino pa, eh di si korekorekoreki
sa tutuo lang, tunay ngang napakahirap
ipagpatuloy ang nasimulang pangpapanggap
katagalugang kong tila bangang di na mahagilap
para lang ang damdamin ng lahat ay makalap
(goshes!!! this is hard panggang ha...promise....!!!!)
-shey
Kasama din kaming mag-asawa sa tagay para sa ating pinakamamahal na kaibigan…Nawa’y umayos na ang kalagayan ng kanilang mahal na ama. magkita-kita nlang tayo sa mata ika nga ng ating kapatid na si lea…
Lubos na nagpapasalamat,
Liway Reyes
Madalas tayoy natutuwa
ng ating kaibigan TALA
at akoy biglang nagulat
ng makita ko itong tula
sa mga oras na itoy dama ko rin
ang kani-kanilang mga damdamin
ngunit sa oras ding itoy silay ating ipanalangin
upang kahit papaanoy sila muling magningning
sa darating na huwebes kamiy dadating din
pero sana makasama ulit ang aking darling
gagawin namin ang aming makakaya
upang kamiy rin makapag abot rin ng saya
panalangin namin sanay dinggin
upang si itay tuluyang gumaling
at ang mga TALA muling magising
-ranny
Pagpasensyan na ang aking maikling tula
Pagkat ako'y hirap mag-isip ng mga kataga
Dahil sa ang aking utak ay parang nasa alapaap
Sa mga numerong kaharap
Konting tulong na aking maibibigay
Na mula sa puso ay mas malaki bagay
Kumpara sa kayamanan aking kinakalkula
Harinawa maging maasyos ang ama ng mga tala
-pinky
nakaka pressure naman....sorry medyo busy po kse at...
di kaya ng utak ko maging makata
at medyo masama ang aking timpla
hahandugan na lang po namin ng panalangin
at iabot ang anumang tulong na kakayanin
para sa kanilang mahal na Amahin...
Magkita kita po tayo sa Huwebes
Maan :)
As I watched my inbox keep filing up with SA LIKOD NG MGA TALA, and as I read all the witty responses, I just can’t help but appreciate the inner goodness in everyone, how we
are stepping out of the box from our own protected shells. Credit goes to the originators of this wonderful idea, you just opened up the Pandora’s box and unleashed the creative
talents and the natural generosity ( bayanihan, as we locally call it) of everybody.. We may not be aware of it, but perhaps, our gesture towards the Riza and Tolits is God’s way of
answering their prayers and our small Thursday group ( as we may call it) is God’s manifestation of His Presence in our lives. We may not know each other very well yet we are
sharing all the same.. See you…..
gerry

0 comments:
Post a Comment